Huwebes, Hulyo 31, 2014

Mga Sinaunang Kabihasnan

          Mga sinaunang Kabihasnan

Mesopotamia (Iraq) – mula sa salitang mesos (gitna) at potamos (ilog)na ang ibig sabihin ay nasa pagitan ng dalawang ilog.
-Matatagpuan sa kanlurang bahagi ng asya na karaniwang pinalilibutan ng lupain ng disyerto at kabundukan.
-Matatagpuan sa lupain ng Fertile Crescent sa pagitan ng Persian gulf at Mediterranean sea.
MGA KABIHASNANG UMUSBONG SA MESOPOTAMIA
A. SUMERIAN 3500 BCE
• Cuneiform – unang nabuong sistema ng panulat. Isa itong uri ng pictograph na naglalarawan ng mga bagay na ginagamitan ng may 600 pananda sa pagbubuo ng mga salita o ideya
• Gulong – sa pagkakatuklas nito, nagawa nila ang unang karwahe
• Cacao – ginamit bilang unang pamalit ng kalakal
• Algebra – sa prinsipyong ito ng matematika, ginamit ang sistema ng pagbilang na nakabatay sa 60, paghahati o fraction, gayundin ang square root
• Kalendaryong lunar na may 12 buwan
• Dome, vault, rampa, at ziggurat – mga disenyong pangarkitektura at pang-inhinyera na ginamit sa mga palasyo at templo sa Sumer
• Luwad – ginamit sa paggawa ng laryo na nagsilbing talaan ng mga Sumerian at Prinsipyo ng calculator
• Mga Sumerian din ang unang gumamit ng sistema ng panukat ng timbang at haba.
• Unang nagtatag ng organisadong puwersa sa pagtatayo ng mga dike.
Pagbagsak
Panguanahing dahilan ng paghinabng mga Sumerian ay ang madalasna labanan at kawalan ng pagkakaisa ng mga lungsodestado nito. Madalas na pinagtatalunan ang patubig at hangganan ng mga lupain.
B. AKKADIAN 2350 BCE
King Sargon the Great- nagtatag ng imperyong Akkadian, pinag-isa niya ang lunssod estdao na nagbigay daan sa pagkatatag pinakaunang imperyo sa mundo noong 2035 BCE.
-pinakamahusay na pinuno ng akkadian.
Pagbagsak
Pagkamatay ni haring Sargon
Paghalili ng mga mahihinang pinuno.
C. BABYLONIAN o AMMORITES 2000 BCE
Hammurabi- namahala noong 1792-1750 BCE, tinaguriang pinakadakilang hari ng babylonia.
Kodigo ni Hammurabi- binubuo ng 282 batas na nagsisilbing pamantayan ng kabihasnang Babylonian.
-Sakop ng Kodigong ito ang mga itinuturing na paglabag sa karapatan ng mga mamamayan at mga ari-arian nito; usapin sa kalakal, lupa, butaw, serbisyong propesyunal; at pamilya.
-May prinsipyong mata sa mata at ngipin sa ngipin.
Marduk – ang kanilang pinakadakilang diyos na kinkilala.
1100 BCE- naabot nila ang kanilang tagumpay sa panitikan nang masisulat ang mga epikong Gilgamesh at Enuma Elish
Mga Ambag
• Nagsimula sa kanila ang mga kontaratang pangkalakalan, paggamit ng selyo bilang pagpatibay sa kontrata, palamuti sa katawan ng mamahaling bato at metal na kinkilala ngayon bilang alahas.
• Pinaunlad nila ang pakikipagkalakalan at negosyo.
Pagbagsak
Pagsakop ng ibang pangkat ng tao tulad ng Kassite, Hittite at mga Assyrian.
D. ASSYRIAN 900 BCE
Muling napag-isa ang Mesopotamia sa pamumuno ng mga Assyrian.
Sila ay mahusay sa pakikidigma at itinuring bilang pinakamalupit na tao sa sinaunang panahon.
Mga namuno
• Tiglath Pileser I- nagtatag ng imperyo
• Tiglath Pileser III- sumakop sa Syria at Armenia
• Sennacherib- sumakop ng 89 na lungsod at mahigit 200 daang pamayanan.
• Ashurbanipal- nagpagawa ng kaunaunahang silid aklatan sa daigdig na may 200,000 na tablaetang luwad.
Mga ambag
• Pinakaunang pangkat ng tao na nakabuo ng epektibong sistema ng pamumuno sa imperyo.
• Epektibong serbisyo postal
• Maayos at magandang kalsada.
Pagbagsak
Dahil sa kalupitan ng pamumuno nagkaisa ang mga Chaldean, Medes, at Persian noong 612 BCE upang pagtulungan itaboy ang mga Assyrian.
Ang paglusob ni Alexander the Great pagkalipas ng 300 taon at halos walang iniwang karangyaan ng Assyria.
E. CHALDEAN 612 BCE
Ikalawang Imperyong Babylonian.
Nabopolassar- siya ang nanguna at nagtatag ng imperyo chaldea, sila ang mga inapo ng mga Babylonian na ang naging kabisera ay Babylon.
Nebuchadnezzar II- pinakadakilang hari ng Chaldea na nagsimulang namuno noong 605 BCE hanggang 562 BCE, naging tanyag at maunlad ito sa kanyang pamumuno.
Mga Ambag
• Ang Hanging Gardens of Babylon ang isa sa pinakanakakahangang tanawin sa sinaunang panahon umabot sa 75 na talampakan ang taas, pinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa na si Amytis.
• nalinang ng konsepto ng zodiac at horoscope.
• Nagpagawa ng Ziggurat na umabot sa halos 300 talampakan na pinangalanang etemenanki. Itinuring na ito ang tore ni Babel sa bibliya.
Pagbagsak
• Paghalili ng mag mahihinang hari dahil nakatuon lamang sila sa karangyaan, kasaganaan at kasayahan.
• Pananakop ng mga Persiano sa imperyo.
IBA PANG KABIHASNAN SA KANLURANG ASYA
A. HITTITE 2000 BCE
Mga Hatti tawag sa mga kabilang sa pangkat ng tao na nanirahan sa Anatolia na tinatawag ding Asia Minor, isang tangway na nakausli sa Mediterranean Sea at Black Sea.
Hattushash- ang kabisera ng imperyo.
1460 BCE- simula ng lumang kaharian na larawan ng kahinaan, karamihan sa mga Indo-Europeo ay mga mahihina kasama na ditto ang Hittite.
Telepinus- tinapos ang pamumuno ng mga mahihinang hari at pinabuti ang kalagayan ng imperyo at nagtatag din siya ng malakas na Militar na nging hudyat ng paglakas ng imperyo.
Suppiluliumas- namuno noong 1375 BCE, inagaw ang ibang lupain na sakop ng Egypt at lubusang nakontrol ang Sentral at hilagang Syria.
Mga Ambag
• Pagkatuklas ng bakal, ginamit nila ang bakal sa paggawa ng armas.
• Pagkilala at paggalang sa ibat ibang wika dahil ginagamit ito sa komunikasyon pandiplomasya.
• Pagkaroon ng titulo sa mga lupa at mga talaan nito.
• Pagkaroon ng imbetaryo ng lupain at pananim na naging batayan ng pagbubuwis ng ari-ariang nakakabi sa lupa.
Pagbagsak
Maraming prebilihiyo ang kamag-anak ng hari na minsan ay inanabuso.
Higit na pinagtuunan ng pansin ng hari aang mga gawaing panrelihiyon kahit na may laban ang military.
B. LYDIAN
• Matatagpuan sa hilagang bahagi ng fertile crescent.
• Pangkat ng tao na unang gumamit ng barya.
Sardis- kaisera ng lydia
Barter- sistema ng kalakalan sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng mga produkto sa iba pang produkto.
– Naging madali ang pakikipagkakalan ng natuto ang mga tao sa paggamit ng barya.
Haring Croesus- pinakamayamang monarko sa kanlurang Asya sa kanyang panahon .
Pagbagsak
Humina ang imperyo ng sakupin ni Haring Cyrus the Great ang Sardis noong 5046 BCE at isinaman sa mapa ng Persia.
C. PHOENICIAN 1200 BCE
Nanirahan sa timog silangang bahagi ng Asia Minor.
Phonecia- tawag sa kanilang lugar na lupain ng mga burol at kabundukan.
Paglalayag at pakikipagkalakalan ang pangunahing hanapbuhay dahil hindi mainam ang lupain sa pagsasaka.
Sila ang tinaguriang “tagpagdala ng kabihasnan” dahil hindi lamang ang produkto ang kanilang naibahagi kundi ang pamumuhay din ng mga tao sa kanilang mga lugar na napuntahan.
Mga Ambag
• Sa kanila nagsimula ang konsepto ng kolonya, naging istayon o bagsakan ito ng kalakal hindi kolonyang pulitikal.
• Mahalagang kontribusyon ay ang alpabeto, dito nakabatay ang kasalukayang alpabeto.
• Paggawa ng mga naglalakihang sasakyang pandagat na tinatawag na barko sa kasalukuyan.
Pagbagsak
Hindi napagtuunan ang pagpapatatag ng pamahalaan at sandatahang lakas.
C. HEBREO 1800 BCE
Hinango ang kanilang pangalan kay Eber na kinikilalang ninuno ni Noah, mababasa ang kasaysayan ng Hebreo sa lumang tipan (Old Testament).
Naging tanyag ang pangkat hindi sa aspetong militar at pulitikal kundi sa aspetong panrelihiyon.
Judaism- nagtaguyod ng monoteismong paniniwala na nagbigay daan sa paniniwala sa iisang diyos na tinatawag na Yahweh.
Abraham- nanirahan sa Mesopotamia na nagpasimula ng kasaysayan ng Hebreo.
Canaan- tirahan ng mga Hebreo, ayon sa tradisyon, sila ay inutusan ni Yahweh na manirahan dito at ipingakong gawing dakila ang kanilang bansa.
Mga Namuno
Moses- namuno sa apglikas ng mga Hebreo mula sa pang-aalipin ng mga Egyptian at nanatili sa Sinai peninsula ng 40 taon, at pinagkalooban ng 10 utos ng diyos.
Saul- naging hari noong 1020 BCE
David- namuno noong 1004 BCE at ginawang kabisera ang Jerusalem, ang nakatalo sa pinakamahusay na sundalo ng Philistine na si Goliath.
Solomon- itinuring na pinakamatalinong hari sa lahat ng piinuno, itinayo niya ang templo ng Jerusalem.
Mga ambag
• Ang bibliya na nanging pundasyon ng pananampalatayang Judaism at kristiyanismo, pinakamahalagang pamanan.
• Pagbabawal sa pagsamba at pag-aalay ngg mga sakripisyo sa mga diyus-diyosan na naging batayan ng maraming batas sa kasalukuyan.
• Ang pagsamba sa nag-iisang diyos o monotheism ay isa rin sa pinakamahalagang ambag.
Pagbagsak
Ang mataas na pagpataw ng buwis ni haring Rehoboam na naging dahilan ng pagrerebelde ng mga nak ni Solomon na dahilan ng pagkawatakwatak ng Hebreo.
Ayon sa lumang tipan ang dahilan ng pagbagsak ng kaharian ay ang pagkakaroon ng ibat-ibang diyos ng Israel na dala ng maraming asawa ni haring Solomon.
E. PERSIANO 612 BCE
Nagmula sa patulan ng kabundukan ng Caucasus sa pagitan ng Black Sea at Caspian Sea.
Nagtatag ng isa sa pinakamalawak na imperyo sa daigdig sa kanilang ginituang panahon.
Zoroastrianismo- tawag sa relihiyon ng mga persyano, itinatag at ipinalaganap ni Zoroaster ang kanyang mga turo, na naniniwalang may dalawang pwersang naglalaban sa upang makuha ang kaluluwa ng tao.ayon sa kanya huhusgahan ang tao batay sa kanyang ginawa at kung kaninong pangkat siya sumanib.
Ahura mazda- diyos ng kabutihan at katotohanan, ang lahat ng tagasunod ay dadalhin sa paraiso.
Ahriman- diyos ng kasamaan at kadiliman.
Mga Namuno
Cyrus the Great- nagsimula ang kanyang pamumuno noong 557 BCE,pinalawak niya ang imperyo sa pagsakop ng mga lupain, itinuring ang kanyang imperyo na pinakamalaki at pinakamakapangyarihan sa buong mundo sa panahong iyon.
Haring Darius I- namahala sa simula noong 521-486 BCE nagkamit ng kadakilaan ang kanyang imperyo, tinagurian niya ang kanyang sarili na hari ng mga hari.
Mga nagawa:
• Nagpagaw ng isang mahabang kalsada na nagdugtong sa mga lungsod ng Persia mula Susa hangang Ephesus sa Asia Minor na umabot sa 2,400 Km.
• Gumamit ng pilak at gintong barya sa pakikipagkalakalan.
• Nagdagdag ng mga satrapy (Rehiyon/lalawgan) sa imperyo. Bawat lalawigan ay pinamunuan ng satrap na nagsilbi bilang tainga at mata.
• Nagpatayo ng mga magagarang palasyo at gusali tulad ng Persepolis.
Nabigo sa labanan sa Marathon na malapit sa Athens, Greece noong 490 BCE laban sa mga Athenian na tumulong sa nag-alsang greek sa Asiaminor.
Haring Xerxes- namuno simula noong 486-465 BCE, anak ni Darius. Bilang paghihiganti sa nabigong pananakop ng kanyang ama sa Greece, muling nagsagawa ng ekspedesyon si Xerxes upang salakayin ang Greece ngunit nabigo sa labanan sa Salamis.
Darius III- sa kanyang kamay bumagsak ang Imperyong persiano noong 331BCE, sa kamay ni Alexander teh Great at dito nagwakas ang imperyo na minsang tinaguriang pinakamalawak sa buong mundo.
Mga Ambag
• Nabgigyang diin ang karapatan ng tao maging ang mga lupang sinakop
• Ang pagkakaroon ng mga satrap ng Persia ang naglinang sa konsepto ng sentarlisadong pamahalaan.
• Relihiyong Zoroastrianismo
Pagbagsak
Matapos ang pamumuno nina `Cyrus, Cambyses, Darius at Xerxes nawalan ng mahusay na pinuno, ang kanilang pangunahing pagbagsak.
Madalas na pag-away-away at kawalan ng pagkakaisa

ANG KABIHASNANG EGYPT

Picture
    Ang Egypt ay tinawag bilang “Pamana ng Nile” dahil sa ilog na ito, ang buong lupain ay nagging disyerto. Nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakay ang ilog na ito.

ANG PAGHAHATI SA KAHARIAN: Dahil sa hindi pagkakasundo, hinati sa dalawa ang Egypt.Upper Egypt- Nasa katimugang bahagi mula sa Libyan Dessert hanggang sa Abu Simbul. Lower Egypt- nasa hilagang bahagi ng lupain kung saan ang Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea

URI NG TAO SA LIPUNAN
Pharoah- Hari (Pharoah- ang tawag sa hari ng Egypt. “Great House”)
Nomarchs-pinuno ng pamayanan
Vizier- pangunahing opisyal (mata ng hari)

PANAHON NEOLITIKO

Picture
ASWAN DAM
    Ay naitayo upang makapagbigay ng elektrisidad at masisisayos ang suplay ng tubig. Ang taunang pag-apaw nito ay nagsilbing daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak. Ito ang nagsilbing susi sa pag-unlad ng Kabihasnang Egypt.

SINAUNANG KASAYSAYAN

LUMANG KAHARIAN (Panahon ng Pyraminds):

Zoser/Haring Djoser
-          Unang nagpatayo ng “piramide” and “Step Pyramind” na may 6 na patong patong na mastaba.

-          Sa tulong ng arkitekotong si Imhotep, nadesenyohan ang pirmaide

-          Ito ang isa sa pinakamatandang piramide sa kasaysayan ng Old Kingdom

GREAT PYRAMIND OF GIZA
-          Sa panahon ni Khufu/Cheops itinayo ang Great Pyramind of Giza

-          Kabilang ito sa 7 Wonders of the Ancient World.

-          Binubuo ito sa loob ng 20,000 taon kasama ng 50,000 tao

-          May sukat na 70m2, taas na 147 ft. at lawak na may kabuuan 5.3 hectares

GITNANG KAHARIAN (Pinamunuan ng 14 na Pharoah):

AMENEMHET II
-          Ang kinilala bilang pinakamahusay na pinuno ng gitnang kaharian.

-          Nakilala ang Thebes bilang kabisera ng Egypt

-          Nilimitahan niya ang kapangyarihan ng mga nobles, muli niyang inorganisa ang pamahalaan at pinanatili ang kasaganaan ng kaniyang nasasakupan.

-          THEBES ang kabisera ng Egypt

-          Sa kaniyang panahon nasakop ang Nubia (rehiyon sa katimugang Egypt)

-          Maging ang Syria ay napasailalim ng kaniyang kapangyarihan

-          Pag-unlad sa kalakalan

HYKSOS
-          Napabagsak ang kaharian

-          Mga Semitic mula sa Asya

-          Mga prinsipe mula sa dayuhang lupain

-          Sinakop ang Egypt sa loob ng 100 taon noong 17th century

-          Nagpakilala sa paggamit ng Chariot sa mga Egyptian.

-          Hyksos (Egyptian, “foreign rulers”)

BAGONG KAHARIAN (Empire Age) Ang pinakadakilang Panahon

AHMOSE
-          Nagbigay sa mga dayuhang Hyksos

-          Nagtatag ng bagong kaharian

-          Isang Theban Prince

-          Sa panahon niya ginawang unified nation ang Egypt

THUTMOSE II
-          Idinagdag niya sa Imperyong Palestine

-          Anak ni Thutmose I, half brother ni Reyna Hatshepsut

REYNA HATSHEPSUT
-          Anak ni Thutmose I

-          Pinakasalan ang kaniyang half brother na si Thutmose II at kaniyang kaagapay sa pamamahala hanggang siya’y  namantay.

-          Angkaniyang successor na si Thutmose III na ank niya sa iba ay namuno noong 1458 sa pamamagitan ng paghirang sa kaniyag sarili.

-          Kauna-unahang babae na namuno sa daigdig

-          Nagpatayo ng templo

-          Nagpadala rin siya ng mga ekspedisyon.

THUTMOSE III
-          Ng dahil sa kaniya, nagging maipmpulwensya ang Egypt sa Palestine, Phoenicia, at Syria.

-          Siya ang nagpatayo ng Heliopolis, Memphis, Abydos at ang templo sa Al Kamak.

AKHENATON
-          Nagpatupad ng Monotheism (pananalig sa iisang Diyos)

-          Pagsasamba kay Aton

TUNTANKHAMEN
-          “Boy King” ng Egypt

-          Naging Pharoah sa gulang na 9

-          Nagpatupad ng Polytheism (pananalig sa diyos na hihigit sa isa)

HOWARD CARTER
-          Isang British Egyptologist na nakatuklas sa labi ni Tuntankhamen

RAMSES II
-          Kinalaban at tinaboy ang Hittites

-          Si Ramses ay itinuturing bilang isang “Living God”

-          Siya ang 3rd ruler ng 19th dynasty, anak ni Seti

RAMSES
-          Sinasabing sa kaniyang pagkakaupo ay nagkaroon ng mahigit 100 anak sa iba’t ibang babae

-          Ang kaniyang 13th son na nagsilbi bilang kaniyang successor na si Merenptah ay naupo sa trono sa edad na 60

-          Namatay si Ramses sa edad na 90, ang kaniyang mga labi ay inilagak sa Valley of the Kings

PAGBAGSAK NG EGYPT:
Mga sanhi:

-          Pagpapabaya sa Ekonomiya

-          Pag-aalsa ng mga kaharian

-          Pagsakot ng Egypt sa mga sumusunod: Assyrian, Persiano
Kabihasnang Indus
Ang lambak-ilog ng Indus at Ganges ay makikita sa Timog Asya.
Ang rehiyong ito ay binabantayan ng matatayog na kabundukan sa hilaga – ang kabundukan ng Himalayas at ang hindu kush.
May ilang daanan na nagsisilbing lagusan ng mga mandarayuhan at mananakop sa kanlurang asya ito ang Khyber Pass.
ang Indus at ganges ay taunang umaapaw dahil sa pagkatunaw ng yelo sa Himalayas at pagbagsak ng ulan.
Ang Pamayanang Neolitiko Bago ang Indus
Noong 3500 B.C.E tinatayang lumitaw ang mga neolitikong pamayanan sa Baluchistan ( nasa Pakistan ngayon ) nasa bandang kanluran ng Ilog Indus.
Mergash – batay sa mga nahukay na labi, agrikultural at sedementaryo ang pamumuhay ng mga tao rito.
ebidensiya din ang pag –aalaga ng tupa, kambing, at ox.
nagsimula din sa panahong neolitiko ang paggawa ng palayok na may pintura at paghumo ng tinapay gawa sa cereal.
ang kanilang mga bahay ay gawa sa ladrilyo mula sa luwad tulad ng sa sumer.
Sistemang Pampulitikal at Pang – ekonomiya
Umusbong ang kabihasnan ng timog Asya noong 1922 natuklasan ang mga labi ng sinaunang kabihasnan.
Bandang 2700 B.C.E nabuo ang ilang lungsod sa indus dito limang lungsod ang nahukay dalawa sa pinakaimportanteng Lungsod ay ang Harappa at Mohenjo – Daro umabot ang populasyon sa dalawa sa 40, 000 katao.
sinasabi na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus.
katulad sa sumer kulang rin sa mga likas na yaman ang Indus tulad ng metal, kahoy, at mga semi – precious stone.
upang makontrol ang pag –apaw ng tubog sa indus, gumawa ng irigasyon, kanal, at dike ang mga dravidian.
ilan sa kanilang pananim ay trigo, barley, melon, date, at bulak.
nakikipag – kalakalan din ang Dravidian sa mga bayabayin ng Arabian Sea at Persian Gulf hanggang sa mga lungsod ng Sumer.
lulan sa kanilang barko ang samu’t saring mga produkto tulad ng perlas, tela , ivory comb, at mga butil.
Harappa at Mohenjo – Daro
Pagsasaka ang pangunahing gawain.
mga planado at organisadong lungsod.
citadel o mataas na moog at mababang bayan.
Nasa bansang kanluran ng lungsod ang moog.
nakapatong sa plataporma na ladrilyo na may taas na 12 metro at napalilibutan ng pader.
ang malaking imbakan ng butil ay nasa loob ng malaking bulwagan at pambulikong paliguan.
nakalatag sa ibaba ng moog ang lansangan nakadisenyong kwadrado ( grid – patterned ) at pare – pareho ang sukat ng bloke ng kabahayan. Bahay – gawa sa mga ladrilyo na pinapatayo sa pugon.
pantay ang bubong at karaniwang nakatalikod sa pangunahing kalsada.
may mga bahay na umaabot sa 2 o 3 na palapag at may balkonahe na gawa sa kahoy.
Bawat bahay ay may isa o higit pang bayo na nakakonekta sa sentralisadong sistema ng tubo at imburnal sa ilalim ng lupa.
patunay ito na may sentralisadong pamahalaan ang mga Dravidian na namamahala ng paggawa ng mga pampublikong proyekto tulad ng irigasyon at imburnal.
Maraming nahukay na artifact sa mga lungsod ng Harappa at mohenjo – Daro wala namang artifact ng anumang armas o sandata.
Sistemang Panlipunan
Ang kabihasnang Indus ay sinasabing may Hirar Kiya ng uring Panlipunan.
Ang mga nakatira sa mataas na moog ay ang mga mataas na uri.
Nasa ilalim nito ang mangangalakal, artisano, at magsasaka.
Gumagawa ng mga dike ang mga magsasaka .
ang mga nasa lungsod na artisano ay abala sa paggawa ng samu’t saring produkto.
Sistema ng Pagsulat
Ang mga Ebidensiya ng pagsulat na ito ay mga selyo na may “ pictogram”.
wala pang nakakatuklas kung paano basahin ang mga pictogram o simbolo ng indus.
Dahil dito, kulang ang kaalaman sa Kabihasnang Indus.
Ang Dravidian ay isang sistema ng pagsukat at pagtimbang.
Paglaho ng Kabihasnan
Untiunting gumuho ang kabihasnang Indus noong 1750 B.C.E.
May mga iba’t – ibang paliwanag ang mga iskolar ukol dito.
Isa na rito ang ekolohiya na problema.
sinasabi rin na nagkaroon ng lindol at pagsabog ng bulkan.
May mga iba’t – ibang pangkat ng nomadiko – pastoral mula sa Gitnang asya na nakarating sa Indus.
isa na rito ang aryan.
simula noong 1500 B.C.C, ang lungsod bg Harappa at Mohenjo- Daro ay nilisan na.

Kabihasnan sa Sinaunang Amerika: MAYA, AZTEC & INCA

1) MAYA- ay mga American Indians na nagkaroon ng sariling sibilisasyon sa Gitnang Amerika at Timog Mexico noong 300-900 AD.
YUCATAN- dito naninirahan ang ang pinakamalaking tribo ng Maya.
     RELIHIYON
Ang mga MAYA ay naniniwala sa humigit-kumulang 160 na diyos at diyosa.
HUN HUNAHPU- diyos ng mais.
CHAC- diyos ng ulan.
KINICH AHAU- diyos ng araw.
IX CHEL- diyosa ng buwan.
     MAIS AT BEANS- tinatanim ng mga magsasakang maya.
    KONTRIBUSYON NG MAYA SA MUNDO
MAYAN CALENDAR- nagsasaad kung kelan ang maswerteng at araw at kelan ang di-maswerteng araw.
IDEOGRAPHIC WRITING


2) AZTEC- ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Mexico. Doon naninirahan ang mga Aztec dahil sa angkop na klima at dahil na rin sa matabang lupa.
      RELIHIYON
Ang mga AZTEC ay naniniwala sa mga sumusunod na bathala:
HUITZILOPOCHTLI- bathala ng digmaan.
TANATIUH- bathala ng araw.
TLALOC- bathala ng ulan.
QUETZALCOATL- may pakpak at isang bathala at tinuturing isang bayani.
      PAGSASAKA- kinabubuhay ng mga Aztec at para makasigurado sa masaganang ani, madalas ang pagsasagawa ng seremonya para sa kanilang mga bathala.

HERMAN CORTES- sumakop sa buong Mexico.


3) INCA- ang isa sa mga may sinaunang kabihasnan sa Latin Amerika.
     -Magaling na inhinyero at mahusay gumawa ng kalsada at tulay ang mga Inca. Ang mga daan ay gawa sa bato, at ang mga tulay na nakabitin ay yari sa lubid at baging.
     HUACA- itinuturing "banal" ng mga INCA.
     SAPA INCA- tawag sa pinuno ng Imperyong Inca.
sa iba’t ibang
panig ng mundo, may natatanging
sibilisasyong umusbong sa sinaunang Aprika.
Malaki ang naging impluwensya ng heograp
iya sa naging pamum
uhay ng mga tao
sa sinaunang Aprika. Ang mga tao ay nat
utong makibagay sa
pabago-bagong klima sa
nararanasan. Kapag nagbago ang
klima o lumaki ang populasyo
n sa lugar na kanilang
tinitirhan sila ay humahanap ng panibagong lugar kung saan matutugunan nila ang
kanilang pangangailangan.
Pagsapit ng 1500 AD ang mga sibilisasyong
ito ay nagkaroon na ng ugnayan sa
mga tao sa Europa at Asya
. Ito ang naging dahila
n upang ang kanilang wika, kultura’t
tradisyon ay labis na naimpluwensy
ahan ng mga dayuhang ideya at gawi.
Ang pinakamatanda at pinakamakapangyari
hang sibilisasyong umusbong sa Aprika
ay ang sibilisasyong
Ehiptona
nagsimula sa masaganang
Lambak ng Nile
. Di
nagtagal, may mga lunsod, estado na lumaki
bunga ng malawakang kalakalan sa may
baybayin ng Silangang Aprika at dulo ng timog ng
Sahara.
Ang kahusayan ng mga griyego ay nakita
sa pamumulaklak ng sining at agham.
Samantala ang mga Romano ay mas praktikal
na mga tao. Nanguna sila sa batas at
pamahalaan at mahuhusay din silang inhinyer
o. Mula sa Imperyong Romano, kinilala
ang relihiyong
Kristiyanismo
. Sa katunayan, hanggang sa kasalukuyan ang Roma pa
rin ang sentro ng pananampalatayang Katoliko.
 

                  
                       Kabihasnan sa Pasipiko
Melanesia nagmula sa salitang Griyego na melas na ibig sabihin ay maitim at nesos na ang kahulugan ay isla. Binubuo ito ng mga pulo ng New GuineaNew CaledoniaNew HebridesFijimga Pulo ng Solomon at iba pa. Kaya tinawag na melanesia ang mga isla rito dahil ang mga nakatira rito ay maiitim ang kulay ng balat. Ang pulo ng New Guinea ang pinakamalaking pulo sa Melanesia maging sa buong Oceania.
Micronesia nangangahulugang maliit na mga pulo. Kabilang dito ang MarianasGuamWake IslandPalau, ang Marshall IslandsKiribatiNauru, at ang Federated States of Micronesia. Matatagpuan ang karamihan ng mga pulong ito sa hilaga ng ekwador.
Polynesia nangangahulugang maraming mga pulo. Kabilang dito ang New Zealand, ang Hawaiian IslandsRotuma, ang Midway IslandsSamoaAmerican Samoa,TongaTuvalu, ang Cook IslandsFrench Polynesia, at Easter Island. Ito ang pinakamalaki sa tatlong pangkat.